22/08/2026
Ang hirap ng kalagayan nating mga OFW dito sa Japan, 'no? Dahil sa visa o status, language barrier, racism, at dahil naka-depende rin sa employer pati na rin tirahan, marami tayong mga nararanasang hindi kanais-nais.
Dagdag pa diyan ang racism o xenophobia. Pinapalabas nito na ang mga gaikokujin daw ay mga kriminal, threat, o pabigat sa lipunan.
Ang ending? Nagkakawatak-watak ang mga Japanese at mga gaikokujin habang ang tunay na problema gaya ng
mababang sahod, bullying, at unfair working conditions ay binabalewala na lang.
Kaya pag-usapan natin kung saan ba nagmumula ang napakaraming usapin at issue tungkol sa atin, mga foreigner, dito sa Japan—mula sa pabago-bagong immigration policies at toxic work conditions, hanggang sa karanasan ng mga migrant communities at mga organisasyon—
lahat ’yan pag-uusapan,
kaya kita-kita tayo sa August 29 (Sabado) sa Shinbashi Kumin-kan!
Date: 8/29 Saturday
Time: 14:30 - 17:00 (Registration open from 13:30)
Location: Shinbabashi Kumin-kan
Mag-message lang kung may tanong!