PCM - Saint Denis

PCM - Saint Denis Informations de contact, plan et itinéraire, formulaire de contact, heures d'ouverture, services, évaluations, photos, vidéos et annonces de PCM - Saint Denis, Organisation religieuse, Épinay-sur-Seine.

30/08/2026
May Banal na Misa po tayo ngayong linggo na pangungunahan po ni Father Jovic, ang lahat ay inaanyayahan na makibahagi sa...
29/08/2026

May Banal na Misa po tayo ngayong linggo na pangungunahan po ni Father Jovic, ang lahat ay inaanyayahan na makibahagi sa ating pakikiisa at pananampalataya sa Panginoon🙏.
Maraming salamat po sa inyong lahat.

Ang ating Banal na Misa para sa Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon ay pinangunahan ng ating bisitang pari mula sa Belgi...
22/08/2026

Ang ating Banal na Misa para sa Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon ay pinangunahan ng ating bisitang pari mula sa Belgium, si Fr. Jerick Ballesteros. Salamat po sa inyong pagdalaw sa aming parokya.

Pagpalain po tayong lahat ng Panginoon🙏

PAANYAYA |  Agosto 16, 2026Muli po, inaanyayahan po namin kayong lahat na makiisa sa pagdiriwang ng ating Banal na Misa ...
12/08/2026

PAANYAYA | Agosto 16, 2026
Muli po, inaanyayahan po namin kayong lahat na makiisa sa pagdiriwang ng ating Banal na Misa sa linggong ito na pangungunahan po ni Father Jovic Lobrigo.
Pagpalain po tayong lahat ng Panginoon🙏

02 AGOSTO 2026 | Ika-18 Linggo sa Karaniwang PanahonPatuloy nating pagtibayin ang ating pananampalataya at isabuhay ang ...
06/08/2026

02 AGOSTO 2026 | Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon

Patuloy nating pagtibayin ang ating pananampalataya at isabuhay ang pag-ibig at kalooban ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Nawa’y matuto tayong magtiwala sa Panginoon, lalo na sa mga panahong tila kulang ang ating kakayahan. Ang ating oras, talento, lakas, at paglilingkod—gaano man kaliit sa ating paningin—ay maaaring maging makabuluhan kapag buong puso nating ipinagkakatiwala sa Diyos. Siya ay mabuti Siya ay pag- ibig, Sa paraan ng ating pagmamahal, paglilingkod, at pagbabahagi sa kapwa, nawa'y maranasan din ng iba ang kabutihan ng Panginoon.

"Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag ibig ng Diyos"

Sa ating Banal na Misa ay pinangunahan ito ni Father Jovic Lobrigo, maraming salamat po sa inyo Father.🙏
At lubos din po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakibahagi sa pagdiriwang na ito.

Pagpalain po tayong lahat ng ating Panginoon🙏.

PAANYAYA | Unang Linggo ng Agosto |2 Agosto 2026Makibahagi at makiisa sa ating Banal na Misa sa linggong ito na pangungu...
30/07/2026

PAANYAYA | Unang Linggo ng Agosto |
2 Agosto 2026

Makibahagi at makiisa sa ating Banal na Misa sa linggong ito na pangungunahan ni Father Jovic Lobrigo.

Hulyo 19, 2026 | Ika – 16 na Linggo sa Karaniwang PanahonAyon sa homiliya na binanggit ni father Jovic sa patuloy nating...
26/07/2026

Hulyo 19, 2026 | Ika – 16 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Ayon sa homiliya na binanggit ni father Jovic sa patuloy nating pagninilay at pagsusumikap na sumunod sa Panginoon tatlong bagay ang magandang dapat nating tandaan sa mga pagbasa nating narinig Ang unang pagbasa mula sa Karunungan pinapaalala sa atin na oo kailangan ang hustisya ngunit ang Diyos na siya ang may awa at habag. Itinuturo nito ang dakilang habag, pagtitiis, at katarungan ng Diyos sa sanlibutan.
At sa pangalawang pagbasa mula kay San Pablo na sa panahon na puno tayo ng galit at p**t tayo'y humingi ng tulong sa banal na espiritu dahil sa gabay ng espiritu ay may kakayahan tayong magpatawad. At ang pinakahuli ay kahit ang hustisya ay nasa Diyos sa huli't huli ang Diyos ay siya pa ring maghuhusga sa lahat. At sa kanyang paghuhusga meron ding kapatawaran at awa.

Maraming salamat po sa inyong lahat na nakiisa sa ating Banal na Misa sa nakaraang linggo na pinangunahan po ni Father Jovic Lobrigo.
Pagpalain po tayong lahat ng Panginoon🙏

PAANYAYA | May Banal na Misa po tayo bukas dito sa ating parokya ng Saint Patrice ang lahat ay inaanyayahan na makiisa a...
18/07/2026

PAANYAYA | May Banal na Misa po tayo bukas dito sa ating parokya ng Saint Patrice ang lahat ay inaanyayahan na makiisa at manalangin sa ating pananampalataya sa ating Panginoon🙏.

Adresse

Épinay-sur-Seine
93800

Site Web

Notifications

Soyez le premier à savoir et laissez-nous vous envoyer un courriel lorsque PCM - Saint Denis publie des nouvelles et des promotions. Votre adresse e-mail ne sera pas utilisée à d'autres fins, et vous pouvez vous désabonner à tout moment.

Raccourcis

Partager