02/05/2026
ANNOUNCEMENT!!
Ipinapaalam po namin na ang Summer Institute 2026 ay hindi na muna matutuloy dulot ng kasalukuyang krisis lalo na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel, pati na rin ang pagtaas ng pamasahe. Nauunawaan po namin na marami ang umaasa at sabik sa gawaing ito; gayunpaman, mas binibigyang-halaga namin ang kaligtasan, kapakanan, at kasalukuyang kalagayan ng ating mga komunidad.
Sa kabila nito, patuloy pa rin po ang aming layunin na makapagbigay ng makabuluhang gawain para sa kabataan. Bilang alternatibo, magsasagawa po kami ng isang virtual youth activity na may parehong tema na “TUNHAY.” Ito ay magkakaroon ng tagapagsalita at mga gawain na inaasahang makapagbibigay inspirasyon, pagkatuto, at pagkakaisa sa lahat ng kalahok.
Bukod dito, bilang tugon sa pangangailangan ng komunidad, magsasagawa rin po kami ng isang Community Pantry upang makatulong sa ating mga mangingisda sa Claveria UMC, na lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo at iba pang gastusin sa pang-araw-araw.
Bagamat hindi matutuloy ang ating nakatakdang pagtitipon, nananatili po ang diwa ng ating layunin ang maglingkod, makiisa, at magbigay pag-asa sa kapwa. Inaanyayahan po namin ang lahat na makilahok at makiisa sa ating mga inihandang gawain.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.
Si Kristo Higit sa Lahat