LAMI - Sto. Domingo, Bay

LAMI - Sto. Domingo, Bay Informações para nos contatar, mapa e direções, formulário para nos contatar, horário de funcionamento, serviços, classificações, fotos, vídeos e anúncios de LAMI - Sto. Domingo, Bay, Igreja Cristã, Sto. Domingo, Bay, Laguna.

Sunday Worship Service | July 12, 2026━━━━━━━━━━━━━━━━━━| 𝐓𝐑𝐔𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐃 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐇𝐀𝐑𝐃𝐄𝐒𝐓 𝐁𝐀𝐓𝐓𝐋𝐄𝐒 |"𝑫𝒐 𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆 𝒂𝒇𝒓𝒂𝒊𝒅. 𝑺𝒕𝒂...
14/07/2026

Sunday Worship Service | July 12, 2026

━━━━━━━━━━━━━━━━━━
| 𝐓𝐑𝐔𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐆𝐎𝐃 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐇𝐀𝐑𝐃𝐄𝐒𝐓 𝐁𝐀𝐓𝐓𝐋𝐄𝐒 |

"𝑫𝒐 𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆 𝒂𝒇𝒓𝒂𝒊𝒅. 𝑺𝒕𝒂𝒏𝒅 𝒇𝒊𝒓𝒎...𝑻𝒉𝒆 𝑳𝒐𝒓𝒅 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒇𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒇𝒐𝒓 𝒚𝒐𝒖; 𝒚𝒐𝒖 𝒏𝒆𝒆𝒅 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒕𝒐 𝑩𝑬 𝑺𝑻𝑰𝑳𝑳" — Exodus 14:13–14

Life is full of battles. Minsan hindi natin alam kung paano haharapin ang mga problema, kaya gusto nating akuin at solusyunan ang lahat sa sarili nating paraan.

Hindi ibig sabihin ng "𝗟𝗲𝘁 𝗚𝗼𝗱 𝗳𝗶𝗴𝗵𝘁 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗯𝗮𝘁𝘁𝗹𝗲𝘀" na wala ka nang gagawin. Ang ibig sabihin nito ay ilalagay mo ang iyong tiwala sa Diyos, susunod ka sa Kanyang kalooban, at mananatiling matatag habang Siya ang kumikilos.

🌊 𝗚𝗼𝗱 𝗶𝘀 𝗯𝗶𝗴𝗴𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗮𝗻 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗯𝗶𝗴𝗴𝗲𝘀𝘁 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺.
🌊 𝗚𝗼𝗱 𝗶𝘀 𝗳𝗮𝗶𝘁𝗵𝗳𝘂𝗹 𝗲𝘃𝗲𝗻 𝘄𝗵𝗲𝗻 𝗹𝗶𝗳𝗲 𝗶𝘀 𝘂𝗻𝗰𝗲𝗿𝘁𝗮𝗶𝗻.
🌊 𝗧𝗵𝗲 𝗯𝗮𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗶𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝘆𝗼𝘂𝗿𝘀—𝗶𝘁 𝗯𝗲𝗹𝗼𝗻𝗴𝘀 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗼𝗿𝗱.

Kapag kasama natin ang Diyos, hindi nawawala ang mga pagsubok, pero nagkakaroon tayo ng kapayapaan, lakas, at pag-asang magpatuloy dahil alam nating hindi tayo lumalaban nang mag-isa.

Whatever battle you're facing today, don't lose hope. 𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁 𝗚𝗼𝗱. 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗱 𝗳𝗶𝗿𝗺. 𝗧𝗵𝗲 𝗯𝗮𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗶𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝗼𝘂𝗿𝘀 𝘁𝗼 𝗼𝘄𝗻. 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀! 🤍🙏
━━━━━━━━━━━━━━━━━━

𝐋𝐀𝐌𝐈 – 𝐒𝐃 𝐰𝐚𝐫𝐦𝐥𝐲 𝐢𝐧𝐯𝐢𝐭𝐞𝐬 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐨 𝐣𝐨𝐢𝐧 𝐨𝐮𝐫 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐖𝐨𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲 | 10:00 𝐀𝐌

𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘𝐎𝐍𝐄 𝐈𝐒 𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄! 𝐅𝐞𝐞𝐥 𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐭𝐨 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐚𝐜𝐭 𝐮𝐬.

𝗧𝗢 𝗚𝗢𝗗 𝗕𝗘 𝗔𝗟𝗟 𝗧𝗛𝗘 𝗚𝗟𝗢𝗥𝗬!

‎ ‎‎Sunday Worship Service | July 05, 2026‎‎━━━━━━━━━━━━━━━━━━‎‎| FROM KNOWING GOD TO LIVING IN GOD |‎‎-Our Godly respon...
06/07/2026



‎Sunday Worship Service | July 05, 2026

‎━━━━━━━━━━━━━━━━━━

‎| FROM KNOWING GOD TO LIVING IN GOD |

‎-Our Godly response to God as He is our Loving God-


‎Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umiibig sa atin.

‎1 Juan 4:19

‎➳ Ang Diyos ay mapagmahal at Hindi masusukat ang kanyang pag-ibig.


‎OUR GODLY RESPONSE TO GOD AS HE IS OUR LIVING GOD

‎𝐈. MAHALIN ANG DIYOS NANG HIGIT SA LAHAT


‎Sumagot si Jesus, “ ibigin ang Panginoon mong Diyos ng buong pusong, nang buong kaluluwa, at nang buong pag – iisip. Ito ang pinaka mahalagang utos.

‎Mateo 22: 37-38

‎SPIRITWAL NA PAGTUGON NA MAHALIN ANG PANGINOON NG HIGIT SA LAHAT

‎✓ Makita si Jesus sa ating Pamumuhay.

‎✓ Handang sumunod sa kanyang mga utos.

‎✓ Nagtitiwala tayo sa kanya at lahat ng ating mga desisyon ay nakabase din sa kanyang mga utos.

‎✓ Nakalagay siya sa pinakamataas na lugar sa ating buhay

‎✓ Siya ang nagiging sentro ng ating mga desisyon, mga pangarap, at mga prayoridad sa ating buhay.

‎➳ Ang Diyos ay hindi naghahanap ng bahagi lamang nang ating puso, nais Niya ang ating buong puso.


‎𝐈𝐈. IBIGIN NATIN ANG IBA GAYA NG PAG-IBIG NI CRISTO SA ATIN


‎“ Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag – ibigan kayo! Kung paano ko kayo inibig, gayundin naman mag – ibigan kayo. Kung kayo’y mag – ibigan makikita ng lahat na kayo’y mga alagad ko. ”

‎Juan 13: 34-35

‎SPIRITWAL NA PAGTUGON NA MAHALIN ANG KAPWA GAYA NANG PAG-IBIG SA ATIN NI HESU KRISTO

‎✓ Pagmamahal sa ating pamilya.

‎✓ Paglilingkod sa KAPWA

‎✓ Pagpapatawad sa ating mga kaaway at nagkakasala sa ATIN.

‎✓ Kabutihan sa ibang tao ( kamag – anak, ka- klase, ka- office mate, at mga taong nagkakasalamuha natin sa araw-araw. )

‎➳ Kapag ang Pag- ibig ng Diyos ay umaapaw sa ating buhay, nagiging instrumento tayo ng kapayapaan, pagkakaisa, at Pag- asa. Sa ganitong paraan nakikita ng mundo si KRISTO sa pamamagitan ng ating buhay.

‎➳ Ang taong tunay na minahal ng DIYOS ay hindi kayang ipagkait ang PAG-IBIG sa KAPWA. Ang PAG-IBIG na mula sa DIYOS ay laging umaabot sa iba.


‎𝐈𝐈𝐈. IBAHAGI ANG PAG-IBIG NG DIYOS SA BUONG MUNDO


‎Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “ Ibinigay na sa aking ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa. Kaya’t habang kayo’y humahayo, Gawin ninyong alagad ko ang mga tao SA LAHAT ng bansa. Bautismuhan nyo sila sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo sila sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.

‎Mateo 28:18-20


‎SPIRITWAL NA PAGTUGON NA IPAMAHAGI ANG MABUTING BALITA SA MGA TAO


‎✓ Maging hangarin natin na makilala siya ng iba.

‎✓ Ang ebanghelyo ay Hindi lamang Isang mensaheng dapat paniwalaan, kundi Isang katotohanang dapat ipahayag sa salita at sa ating Pamumuhay.


‎➳ Sa pamamagitan ng ating PATOTOO, MABUBUTING GAWA, at PAGBABAHAGI NG SALITA NG DIYOS, nagiging kasangkapan tayo upang maakay natin ang iba kay Cristo.


‎MARAMI PA RING TAO ANG NABUBUHAY NANG WALANG PAG-ASA, WALANG KAPAYAPAAN, AT WALANG PAGKILALA KAY JESU-KRISTO. BILANG MGA TUMANGGAP NG KANYANG PAG-IBIG, MAYROON TAYONG PANANAGUTAN NA IPAHAYAG ANG MABUTING BALITA.

‎━━━━━━━━━━━━━━━━━━

‎𝐋𝐀𝐌𝐈 – 𝐒𝐃 𝐈𝐒 𝐈𝐍𝐕𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔 𝐓𝐎 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐓 8:30 𝐀𝐌 𝐎𝐍𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒, 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐚 𝐒𝐭., 𝐋𝐚𝐤𝐞𝐬𝐡𝐨𝐫𝐞, 𝐒𝐭𝐨. 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐚𝐲, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.

‎𝐅𝐄𝐄𝐋 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐔𝐒!

‎TO GOD BE THE GLORY!


‎Halina't magkwentuhan tayo tungkol sa mga hamon at tagumpay sa buhay, at paano tayo ginagabayan ng Diyos sa bawat yugto...
03/07/2026

‎Halina't magkwentuhan tayo tungkol sa mga hamon at tagumpay sa buhay, at paano tayo ginagabayan ng Diyos sa bawat yugto nito.

‎Samahan niyo kami sa FREE Coffee and Gospel Conversation at maKAPE-ling ang Salita ng Diyos tuwing Sabado! ☕️📖‼️

‎Baka ito na ‘yong Sabado na magbabago ng week mo!✨

‎🕰 Sabado | 5:00 PM – 7:00 PM
‎📍 Lakeshore Subdivision, Sto. Domingo, Bay

“And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.” — 1 Corinthians 13:13 (NIV)Join u...
03/07/2026

“And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.” — 1 Corinthians 13:13 (NIV)

Join us for our Weekly Prayer Meeting every Wednesday as we grow together in faith, hope, and love through prayer and fellowship.

Every Wednesday
Message us if you would like to join, and we will send you the meeting link.

Everyone is welcome! 🙏✨

Sunday Worship Service | June 27, 2026━━━━━━━━━━━━━━━━━━| FROM KNOWING GOD TO LIVING IN GOD |-Our Godly response to God ...
01/07/2026

Sunday Worship Service | June 27, 2026
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
| FROM KNOWING GOD TO LIVING IN GOD |
-Our Godly response to God as our Creator-

ANO ANG ATING TUGON SA ATING PANGINOON BILANG ATING MANLILIKHA ?

➳ Ang tunay na tugon ay mahalin sya, pagkatiwalaan, at sundin. Hindi lang sapat ang makilala ang Diyos bilang manlilikha. Dahil ang pananampalataya ay nasusukat sa kung paano natin sya isasabuhay araw – araw.

Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi nakikinig lamang, at pagkatapos ay nakakalimot. Santiago 1:25

OUR GODLY RESPONSE TO GOD AS OUR CREATOR

𝐈. SAMBAHIN SIYA BILANG ATING MANLILIKHA

➳ ‎Ang pagsamba ay hindi lamang limitado sa pag-awit ng mga papuri sa Diyos. Ito ay kinabibilangan ng pag-aalay ng ating buong buhay sa Kanya—ang ating mga isip, puso, salita, gawa, at mga pagpapasya araw-araw.
➳ Ang tunay na pagsamba ay nakikita sa ating pagsunod, pagmamahal, at pagpapasakop sa kalooban ng Diyos sa bawat aspeto ng ating buhay.

𝐈𝐈. MABUHAY NG MAY LAYUNIN

➳ Dahil tayo ay nilikha ng Diyos, ang tunay na layunin ng ating buhay ay matatagpuan lamang sa Kanya at hindi sa mga tagumpay o bagay na iniaalok ng mundo.
‎➳ Maaaring magbigay ng pansamantalang kasiyahan ang kayamanan, katanyagan, at tagumpay, ngunit tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay ng tunay na kabuluhan at layunin sa ating buhay.

𝐈𝐈𝐈. MAGING TAPAT NA KATIWALA

‎Bilang mabubuting katiwala ng iba't ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakikinabang ng lahat. Palaging lumapit sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin. 1 PEDRO 4:10
Everything we possess belongs to God.
 Our time
 Our abilities
 Our family
 Our work
 Our resources

IV. DAPAT TAYONG MAGTIWALA SA KANYA

➳ Dahil nilikha tayo ng Diyos, higit Niyang alam kung ano ang pinakamabuti para sa atin.
Kahit hindi natin nauunawaan ang lahat ng nangyayari, maaari tayong magtiwala sa Kanyang karunungan at plano

V. DAPAT TAYONG MATAKOT AT SUMUNOD SA KANYA

➳ Kung ang Diyos ang ating Manlilikha, may karapatan Siyang pamahalaan ang ating buhay. Ang pagsunod sa Kanyang mga utos ay pagpapakita ng ating paggalang, pananampalataya, at pagkilala sa Kanyang awtoridad. Ang tunay na pagkilala sa Diyos ay laging humahantong sa pagsunod sa Kanyang kalooban.

VI. DAPAT NATING MAHALIN SIYA NAG HIGIT SA LAHAT

‎➳ Ang pinakamataas na tugon sa ating Manlilikha ay ang mahalin Siya nang buong puso, kaluluwa, pag-iisip, at lakas. Ang ating pag-ibig sa Diyos ang magiging pundasyon ng ating pagsunod, pagsamba, at paglilingkod.

HUWAG LAMANG NATING PAG- USAPAN ANG KANYANG MGA KATANGIAN KUNDI LAYUNIN NATIN NA IPAMUHAY ANG MGA ITO. HUWAG LAMANG NATIN TAWAGIN SIYANG MANLILIKHA, HAYAAN NATING SIYA ANG MAMAHALA SA BAWAT ASPETO NG ATING BUHAY.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
𝐋𝐀𝐌𝐈 – 𝐒𝐃 𝐈𝐒 𝐈𝐍𝐕𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔 𝐓𝐎 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐓 8:30 𝐀𝐌 𝐎𝐍𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒, 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐚 𝐒𝐭., 𝐋𝐚𝐤𝐞𝐬𝐡𝐨𝐫𝐞, 𝐒𝐭𝐨. 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐚𝐲, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.
𝐅𝐄𝐄𝐋 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐔𝐒!
TO GOD BE THE GLORY!

Sunday Worship Service | June 21, 2026━━━━━━━━━━━━━━━━━━| 𝐆𝐑𝐎𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐊𝐍𝐎𝐖𝐋𝐄𝐃𝐆𝐄 𝐎𝐅 𝐆𝐎𝐃 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐔𝐁𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐓𝐎 𝐇𝐈𝐒 𝐖𝐈𝐋𝐋  |"...
27/06/2026

Sunday Worship Service | June 21, 2026
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
| 𝐆𝐑𝐎𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐊𝐍𝐎𝐖𝐋𝐄𝐃𝐆𝐄 𝐎𝐅 𝐆𝐎𝐃 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐔𝐁𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐓𝐎 𝐇𝐈𝐒 𝐖𝐈𝐋𝐋 |

"𝐼𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛: 𝑎𝑛𝑔 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂 𝑲𝒂 𝒏𝒊𝒍𝒂, 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑖𝑠𝑎 𝑎𝑡 𝑡𝑢𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝐷𝑖𝑦𝑜𝑠, 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒍𝒂𝒍𝒂 𝒔𝒊 𝑱𝒆𝒔𝒖-𝑪𝒓𝒊𝒔𝒕𝒐 𝑛𝑎 𝐼𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑖𝑛𝑢𝑔𝑜" — Juan 17:3

➳ Maraming tao ang may alam tungkol sa Diyos, pero iba ang 𝗺𝗮𝘆 𝗮𝗹𝗮𝗺 sa 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮.
➳ Ang tunay na buhay Kristiyano ay hindi lang tungkol sa pagsisimba, pagdarasal, o paggawa ng mabuti. Ito ay tungkol sa 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗿𝗲𝗹𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.

𝐈. 𝐒𝐈𝐍𝐎 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐎𝐎𝐍?
➳ 𝐆𝐨𝐝 𝐢𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐂𝐫𝐞𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠. Tayo ay nilikha ng Diyos na may tiyak na layunin.
➳ 𝐆𝐨𝐝 𝐢𝐬 𝐇𝐨𝐥𝐲. Ang Diyos ay banal, dalisay, at walang anumang kasalanan. Tinatawag Niya ang Kanyang mga anak na mamuhay nang may kabanalan sa pamamagitan hindi ng sariling lakas o kakayahan kundi ng Kanyang biyaya at kapangyarihang kumikilos sa atin.
➳ 𝐆𝐨𝐝 𝐢𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞. Ipinakita Niya ang Kanyang dakilang pag-ibig sa pamamagitan ng pagsusugo kay Jesu-Cristo upang mamatay sa ating mga kasalanan.
➳ 𝐆𝐨𝐝 𝐢𝐬 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡𝐟𝐮𝐥. Siya ay tapat sa Kanyang mga pangako at kailanma'y hindi nagbabago.
➳ 𝐆𝐨𝐝 𝐢𝐬 𝐒𝐨𝐯𝐞𝐫𝐞𝐢𝐠𝐧. Ang Diyos ang may hawak at naghahari sa ating mga buhay. Siya ay karapat-dapat sa ating pagsunod, pagtitiwala, at pagsamba.

𝐈𝐈. 𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒?
➳ Nagkakaroon tayo ng 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼.
➳ Nagkakaroon ng 𝗹𝗮𝘆𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 ang ating buhay.
➳ Lumalago ang ating 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮.
➳ Habang mas nakikilala natin ang Diyos, 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗶 𝗖𝗿𝗶𝘀𝘁𝗼
➳ Nagkakaroon tayo ng 𝗸𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻 kahit may pagsubok.
➳ Mas nauunawaan natin ang 𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
➳ Natututo tayong 𝘀𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗦𝗶𝘆𝗮, hindi dahil napipilitan tayo.
➳ Natututo tayong 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻.
➳ Inihahanda Niya tayo para sa buhay na walang hanggan.

𝐈𝐈𝐈. 𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒?
➳ Basahin at pagbulay-bulayan ang Kanyang Salita (Bibliya) araw-araw.
➳ Palaging lumapit sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin.
➳ Sundin ang Kanyang mga utos.
➳ Makisama o makibahagi sa kapwa mananampataya.
➳ Ibahagi ang Mabuting Balita iba.

Hindi sapat na marami tayong alam tungkol sa Diyos, kundi kung 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗯𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹?

ANG LAYUNIN NG BUHAY AY HINDI LANG ANG MALAMAN ANG TUNGKOL SA DIYOS, KUNDI ANG 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗜𝗬𝗔, 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗜𝗡 𝗦𝗜𝗬𝗔, 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗠𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔. 🙏💙

━━━━━━━━━━━━━━━━━━
𝐋𝐀𝐌𝐈 – 𝐒𝐃 𝐈𝐒 𝐈𝐍𝐕𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔 𝐓𝐎 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐓 8:30 𝐀𝐌 𝐎𝐍𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒, 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐚 𝐒𝐭., 𝐋𝐚𝐤𝐞𝐬𝐡𝐨𝐫𝐞, 𝐒𝐭𝐨. 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐚𝐲, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.
𝐅𝐄𝐄𝐋 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐔𝐒!
TO GOD BE THE GLORY!

Sunday Worship Service | June 14, 2026━━━━━━━━━━━━━━━━━━"𝘾𝙊𝙋𝙄𝙉𝙂 𝙄𝙉 𝘼 𝙍𝘼𝙋𝙄𝘿𝙇𝙔 𝘾𝙃𝘼𝙉𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙒𝙊𝙍𝙇𝘿"* Ang mundo ay patuloy na na...
26/06/2026

Sunday Worship Service | June 14, 2026
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
"𝘾𝙊𝙋𝙄𝙉𝙂 𝙄𝙉 𝘼 𝙍𝘼𝙋𝙄𝘿𝙇𝙔 𝘾𝙃𝘼𝙉𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙒𝙊𝙍𝙇𝘿"

* Ang mundo ay patuloy na nagbabago sa teknolohiya, kultura, at moralidad, ngunit ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago.
* Sa gitna ng mabilis na pagbabago, ang Diyos ang ating lakas, kanlungan, at matatag na sandigan.
* Hindi natin dapat ikagulat ang mga nangyayari sa mundo sapagkat ang mga ito ay bahagi ng mga ipinahayag ng Diyos sa Kanyang Salita.
* Tinatawag tayong maging handa sa pagbabalik ni Cristo sa pamamagitan ng matatag na pananampalataya at banal na pamumuhay.
* Huwag tayong padala sa takbo ng mundo o sa bawat bagong uso kung ito ay salungat sa kalooban ng Diyos.
* Ang tunay na karunungan ay ang pagsunod sa Diyos kaysa sa pagsunod sa impluwensya ng lipunan.
* Mahalaga ang pananatiling konektado sa kapatiran upang makatanggap at makapagbigay ng lakas, pag-asa, at paghihikayat.
* Hindi tayo nilikha upang harapin ang mga pagsubok nang nag-iisa, kundi bilang bahagi ng pamilya ng Diyos.
* Huwag hayaang maagaw ng mga bagay sa mundong ito ang ating pokus sa mga bagay na walang hanggan.
* Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa kayamanan o tagumpay sa buhay, kundi sa pagiging tapat sa Diyos.
* Gamitin natin ang mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos upang luwalhatiin Siya at hindi lamang para sa pansariling kapakinabangan.
* Sa gitna ng patuloy na pagbabago ng mundo, ang Salita ng Diyos ang ating matibay na gabay at pundasyon.
* Ang pananampalatayang nakasandig kay Cristo ang nagbibigay ng kapayapaan at katatagan sa anumang pagbabago ng buhay.
* Ang tanong ay hindi kung magbabago pa ang mundo, kundi kung mananatili ba tayong tapat at nakatuon sa Diyos sa gitna ng lahat ng pagbabago.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
𝐋𝐀𝐌𝐈 – 𝐒𝐃 𝐈𝐒 𝐈𝐍𝐕𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔 𝐓𝐎 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐓 8:30 𝐀𝐌 𝐎𝐍𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒, 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐚 𝐒𝐭., 𝐋𝐚𝐤𝐞𝐬𝐡𝐨𝐫𝐞, 𝐒𝐭𝐨. 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐚𝐲, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.
𝐅𝐄𝐄𝐋 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐔𝐒!
TO GOD BE THE GLORY!

22/06/2026
Sunday Worship Service | June 7, 2026━━━━━━━━━━━━━━━━━━"𝙃𝙐𝙈𝙄𝙇𝙄𝙏𝙔: 𝙏𝙃𝙀 𝘼𝙏𝙏𝙄𝙏𝙐𝘿𝙀 𝙊𝙁 𝘾𝙃𝙍𝙄𝙎𝙏"* Ang tunay na pagpapakumbaba a...
17/06/2026

Sunday Worship Service | June 7, 2026
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
"𝙃𝙐𝙈𝙄𝙇𝙄𝙏𝙔: 𝙏𝙃𝙀 𝘼𝙏𝙏𝙄𝙏𝙐𝘿𝙀 𝙊𝙁 𝘾𝙃𝙍𝙄𝙎𝙏"

* Ang tunay na pagpapakumbaba ay hindi kahinaan o mababang pagtingin sa sarili, kundi ang pagbibigay-halaga sa iba higit sa ating sarili.
* Ang pagpapakumbaba ay nagsisimula sa pagtanggi sa makasariling ambisyon at paghahangad ng sariling karangalan.
* Tinatawag tayo ng Diyos na magkaroon ng pananaw na inuuna ang kapakanan at pangangailangan ng iba.
* Ang tunay na kababaang-loob ay hindi tungkol sa pagiging mababa, kundi sa kusang paglilingkod para sa kapakanan ng iba.
* Si Cristo ang pinakadakilang halimbawa ng pagpapakumbaba nang Siya ay magkatawang-tao at maging masunurin hanggang kamatayan sa krus.
* Ang pamumunong maka-Diyos ay nakikita sa paglilingkod at hindi sa paghahangad ng kapangyarihan o pagkilala ng tao.
* Ang pag-ibig na nagsasakripisyo ay bunga ng pusong tunay na mapagpakumbaba.
* Itinataas ng Diyos ang mga taong nagpapakumbaba at nagpapasakop sa Kanyang kalooban.
* Ang pagpapakumbaba ay dapat makita sa ating araw-araw na pagsunod sa Diyos, kahit walang nakakakita.
* Ang isang mapagpakumbabang buhay ay umiiwas sa reklamo, pagtatalo, at mga gawaing sumisira sa pagkakaisa.
* Ang mga tunay na tagasunod ni Cristo ay tinatawag na maging ilaw sa mundo sa pamamagitan ng kanilang buhay at asal.
* Ang pagpapakumbaba ay hindi lamang isang ugali kundi isang kilos na dapat isabuhay araw-araw.
* Ang buhay na may pagpapakumbaba ay nagpapakita ng puso ni Cristo at nagdudulot ng kaluwalhatian sa Diyos.
* Ang tanong ay hindi kung alam natin ang kahalagahan ng pagpapakumbaba, kundi kung handa ba tayong sundin ang halimbawa ni Cristo sa ating araw-araw na buhay.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
𝐋𝐀𝐌𝐈 – 𝐒𝐃 𝐈𝐒 𝐈𝐍𝐕𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔 𝐓𝐎 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐓 8:30 𝐀𝐌 𝐎𝐍𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒, 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐚 𝐒𝐭., 𝐋𝐚𝐤𝐞𝐬𝐡𝐨𝐫𝐞, 𝐒𝐭𝐨. 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐚𝐲, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.
𝐅𝐄𝐄𝐋 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐔𝐒!
TO GOD BE THE GLORY!

Sunday Worship Service | May 31, 2026━━━━━━━━━━━━━━━━━━**"𝙇𝙄𝙑𝙄𝙉𝙂 𝘼 𝙃𝙊𝙇𝙔 𝙎𝙋𝙄𝙍𝙄𝙏-𝙁𝙄𝙇𝙇𝙀𝘿 𝙇𝙄𝙁𝙀 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎"*** Ang Banal na Espir...
11/06/2026

Sunday Worship Service | May 31, 2026
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
**"𝙇𝙄𝙑𝙄𝙉𝙂 𝘼 𝙃𝙊𝙇𝙔 𝙎𝙋𝙄𝙍𝙄𝙏-𝙁𝙄𝙇𝙇𝙀𝘿 𝙇𝙄𝙁𝙀 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎"**
* Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang damdamin o kapangyarihan—Siya ay Diyos na buhay at kumikilos sa buhay ng mga mananampalataya.
* Kung wala ang Banal na Espiritu, maaari tayong maging relihiyoso ngunit walang tunay na pagbabago sa ating buhay.
* Ang Banal na Espiritu ang ikatlong Persona ng Diyos na may sariling kalooban, karunungan, at kapangyarihan.
* Siya ang nagbibigay sa atin ng pag-unawa tungkol sa kasalanan at nagdadala sa atin sa pagsisisi.
* Ang Banal na Espiritu ang ating Tagapagtanggol, Tagapag-aliw, at Tagapagpalakas sa panahon ng pagsubok.
* Siya ang gumagabay sa atin upang mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos at hindi ayon sa laman.
* Ang tunay na pagbabago ng pagkatao ay gawa ng Banal na Espiritu mula sa puso ng tao.
* Ang bunga ng Espiritu ay makikita sa ating pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, at pagpipigil sa sarili.
* Binibigyan tayo ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan upang maging mabuting saksi ni Cristo.
* Tinatawag tayo ng Diyos na lumakad araw-araw sa patnubay ng Banal na Espiritu.
* Huwag nating pighatiin ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhay sa kasalanan.
* Patuloy nating hanapin ang kapuspusan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng panalangin, pagsamba, at Salita ng Diyos.
* Ang buhay na lubos na nagpapasakop sa Banal na Espiritu ay buhay na may tunay na pagbabago at malalim na relasyon sa Diyos.
* Ang tanong ay hindi kung nagsasalita pa ang Banal na Espiritu ngayon, kundi kung handa pa ba tayong makinig at sumunod sa Kanya.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━
𝐋𝐀𝐌𝐈 – 𝐒𝐃 𝐈𝐒 𝐈𝐍𝐕𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐘𝐎𝐔 𝐓𝐎 𝐉𝐎𝐈𝐍 𝐎𝐔𝐑 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐄𝐕𝐄𝐑𝐘 𝐒𝐔𝐍𝐃𝐀𝐘 𝐀𝐓 8:30 𝐀𝐌 𝐎𝐍𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒, 𝐊𝐚𝐦𝐢𝐚 𝐒𝐭., 𝐋𝐚𝐤𝐞𝐬𝐡𝐨𝐫𝐞, 𝐒𝐭𝐨. 𝐃𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐚𝐲, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.
𝐅𝐄𝐄𝐋 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐓𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐔𝐒!
TO GOD BE THE GLORY!

Endereço

Sto. Domingo, Bay
Laguna
4033

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando LAMI - Sto. Domingo, Bay posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Atalhos

Compartilhar

Categoria