26/11/2024
Praise the Mighty Name of our Dearest Lord Jesus Christ!
Ang paggamit ng "Leading prayers" o "ayon sa mga unang panalangin" (According to the first prayers) ng ating Kagalang-galang at Minamahal na Evangelist-Pastor Wilde E. Almeda, ang Endtime Prophet of God, ay nararapat parin sa Banal na Iglesya ng Mahal na Panginoon sa JMCIM.
๐Ayon sa Banal na Kasulatan, maraming talata sa Bibliya ang nagbabanggit ng mga personal na pangalan ng mga lingkod ng Kataas-taasang Dios sa kanilang panalangin katulad ni Propetang Abraham, Moses, Isaac, and Jacob. Sa panalangin ni Prophet Elias, ginamit sa panalangin ang katagang โDios ni Abraham, Dios ni Isaac, Dios ni Jacobโ kahit nasa langit na sila (1 Mga Hari 18:36-39). Ang paggamit na ito ay dahil sila ay mga kinikilalang mga tunay na lingkod ng nag-iisang buhay na Diyos at kinikilala bilang mga bayani ng pananampalataya.
๐ Ang kanilang mga buhay ay espesyal sa Mahal na Panginoon. Maging ang kanilang mga luha ay inaalala at pinahahalagahan ng Diyos, na iniipon at inilalagay sa botelya sa langit.
Awit 56:8 (ADB)
"Iyong isinasaysay ang aking mga paggagala: ilagay mo ang aking mga luha sa iyong botelya; wala ba sila sa iyong aklat?"
Job 38:36 (ADB)
"Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit?"
๐ Sa pananalangin, napapanatili ang bisa ng mga panalangin ng mga banal, kabilang na dito ang ating Beloved Honorable Pastor, na tinuturing na Man of God, sapagkat ang mga panalanging ito ay itinatago sa mga mangkok na ginto, puno ng kamangyan, na inihahandog sa Cordero, walang iba kundi ang Mahal na Panginoong Jesucristo, na nakaupo sa trono sa langit.
Isang Dagdag: Isa pang kawili-wiling punto mula dito ay ang 24 na matatanda ay may HAWAK NG MGA PANALANGIN NG MGA BANAL sa Apocalipsis 5:8. Ipinapakita nito ang isang uri ng panalangin na "PANG-INTERCESYON" sa bahagi ng mga banal sa langit para sa mga nasa lupa.
Take Note: "Mga panalangin ng mga banal" โ ang mga panalangin ng mga matuwid ay malaki ang nagagawa. Ano ang simbolismo ng kamangyan? Ayon sa Bibliya, ito ay isang mabangong sangkap na ginagamit sa mga alay ng mga lingkod ng Diyos noong unang panahon.
Santiago 5:16
โMangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.โ
๐ Ang mga lingkod ng Diyos ay hindi lamang lingkod dito sa lupa kundi maging sa langit. Kahit wala na ang kanilang pisikal na katawan, ang kanilang espiritu bilang lingkod ng Diyos ay nananatili. Halimbawa, si Eliseo na propeta, bagamat matagal nang nailibing, ang kanyang buto ay nagdala ng muling pagkabuhay sa isang patay.
2 Hari 13:20-21
"Nang mailibing ang isang lalaki at masagi ng kanyang bangkay ang mga buto ni Eliseo, nabuhay ang lalaki at tumayo."
Colosas 2:5
โKahit na wala ako riyan, kasama naman ninyo ako sa espiritu. At akoโy nagagalak sa inyong maayos na pamumuhay at matibay na pananalig kay Cristo.โ
๐ Bagamat nasa langit na ang mga propeta ng Panginoon, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Mahal na Panginoong Jesucristo. Halimbawa, sina Moises at Elias, bagamat matagal nang namatay, ay nakipag-usap sa Mahal na Panginoong Hesus noong Siya ay nagbagong-anyo.
Lucas 9:29-31
โHabang Siya ay nananalangin, nag-iba ang anyo ng Kaniyang mukha, ang Kaniyang damit ay naging puti at nagniningning. May dalawang lalaking nakipag-usap sa Kaniya, sina Moises at Elias, na nag-anyong maluwalhati.โ
๐ Kayaโt napakapalad nating nasa tunay na Iglesya ng Diyos! Bagamat ang ating Kagalang-galang at Minamahal na Evangelist-Pastor Wilde E. Almeda at Bel. Assistant Pastor Lina C. Almeda ay nasa langit na, ang kanilang mga panalangin ay nananatiling mabangong samyo sa harapan ng Mahal na Panginoon (ayon sa Banal na Kasulatan). Kung tayo nga ay naniniwala na โEnd-time Prophetโ and ating ginagalang na Mahal na Pastor, wala din dapat duda na ang kanilang mga panalangin ay mabisa at masamyo parin karugtong ng ating mga panalangin sa kasalukuyan.
๐Isang Paglilinaw: Hindi po ibig sabihin nito na ginagawa nating โmediatorโ o โtagapamagitanโ ang ating ginagalang na Mahal na Pastor bagkus atin lamang dinadagdag ang katagang โayon sa mga naunang panalangin ng aming Ginagalang na Ebanghelista Wilde E. Almedaโ o di kaya ay โoh Dios ni Abraham, Dios ni Isaac, Dios ni Jacob at Dios ng aming Ginagalang na Mahal na Pastor Wilde E Almedaโ sa ating mga panalangin bilang pagkilala natin sa kanila bilang tunay na lingkod ng ating Dakilang Dios na buhay na ginamit para sa ating kaligtasan katulad din ng dakilang pagkatawag at pagkilala ng Mahal na Panginoon sa kanila bilang pastol na tagapangalaga ng ating kaluluwa dito sa mundo.
Mainam na sundin natin ang iniwang halimbawa at turo ng ating Dearly Beloved Parents in the Lord, lalo na ang kanilang makadiyos na pamamaraan ng paglilingkod sa buhay na Diyos. Amen.