29/07/2025
"Storya ng Buhay Ko – Sa Likod ng Ngiti"
Sa bawat ngiting bitin, may luha sa likod ng mata.
Lumaki akong marunong magtago ng sakit—hindi dahil mahina ako, kundi dahil ayokong maging pabigat.
Tahimik akong lumalaban.
Sa gabi, ako lang ang nakakarinig sa iyak ko.
Hindi ako palakwento, pero ang puso ko punô ng kwento.
Kwento ng pag-asa, kahit palaging nauudlot.
Kwento ng pangarap, kahit palaging natetenga.
Pero kahit ilang ulit pa akong masaktan, mananatili akong lumalaban.
Dahil may Diyos akong sandigan.
At balang araw, ako naman ang magiging dahilan ng ngiti sa iba.