19/10/2026
๐๐ค๐-๐๐๐ ๐ค๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐ง๐ ๐๐๐, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ฌ๐๐๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐๐จ
Ni: Joe Lance Melegrito
Tarlac Archdiocese
Nagkaisa ang mga kasapi ng Crusaders of the Divine Church of Christ (CDCCPI) sa buong Pilipinas at sa ibaโt ibang panig ng mundo upang gunitain ang ika-108 kaarawan ng kanilang iginagalang na Ina ng Pananampalataya, Ina Nuestra Sra. Cecilia Villena Magliba (Ina CVM), ngayong Oktubre 15.
Sa loob ng mahigit isang siglo, itinuturing ng mga Crusado na simbolo ng biyaya si Ina CVM para sa buong kongregasyon.
Bilang kabiyak ng kinikilalang Diyos Espiritu Santo na si Mons. Dr. Rufino S. Magliba, ang buhay ni Ina CVM ay nakasentro sa pananalangin, kababaang-loob, at wagas na debosyon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon at nagpapatatag sa espirituwal na ugnayan ng mga miyembro sa ibaโt ibang panig ng mundo.
Bilang paghahanda sa kaniyang kaarawan, nagsagawa ng mga gawaing espirituwal ang ibaโt ibang tsapter sa buong mundo. Tampok dito ang siyam na araw na Novena mula Oktubre 7 hanggang 14, na sinundan ng responso at vigil bago sumapit ang mismong araw ng kanyang kaarawan.
Nagsimula ang pandaigdigang pagdiriwang sa pag-aalay ng mga bulaklak bilang sagisag ng kalinisan at paggalang. Sinundan ito ng Banal na Misa bilang pagpapahayag ng taos-pusong pasasalamat sa kanyang espirituwal na pamumuno. Pagkatapos ng Misa, sama-samang umawit ang mga dumalo ng โPada Pada Kamโ, isang Ilocanong awitin, bilang handog kay Ina CVM, na sinundan ng paghihiwa sa birthday cake.
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, ipinahayag ng pamunuan na ang makasaysayang okasyong ito ay hindi lamang paggunita sa ika-108 kaarawan ni Ina CVM, kundi pagkakataon din upang muling pagtibayin ang pagkakaisa ng mga Crusado sa buong mundo at ang kanilang pagpapahalaga sa kapayapaan, pag-ibig, at pangmatagalang espirituwal na pamana na iniwan niya para sa mga susunod na henerasyon.